Excited Na ‘Ko sa You Changed My Life ni John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo
Nang malaman ko na ang film, TV at theatre actor na si Irma Adlawan ay nasa movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, siyempre nagprisinta ako kaagad bilang driver at alalay niya. Ay, joke lang. Mas maganda kung may role ako, di ba, tapos ka-eksena ko sila pareho? Woot!
Okay, since baka hindi mangyari ‘yun, ni-request ko na lang kay Irma na kung sakaling meron siyang extra You Changed My Life premiere tickets ay pakibigay na lang sa akin. Kapal! Medyo lang.
In the meantime, ang ma-share ko lang ay nag-shooting si Irma Adlawan sa Marikina. (’Yon lang ang nasabi niya kasi pareho kaming abala sa paghahanda sa show namin.)
Pero madali namang hulaan kung bakit. Kasi andon ‘yung bahay ni Laida (Sarah Geronimo). At dahil si Irma ang gumaganap bilang Mrs. Magtalas, ang kunwaring nanay ni Sarah, siyempre marami siyang eksena doon na kailangang i-shoot.
At tsaka, yung bahay nina Laida nasa tabi ng Marikina River, di ba? Alam ko, kasi nadadaanan yon ng mga jeep at FX na sinasakyan ko. Kitang-kita yung malaking sapatos, na nakikita din sa sine, mula sa tulay.
Anyway, kung hindi man ako makapanood sa premiere, okay lang ang regular showing. Opening ng You Changed My Life sa 25 February 2009. Sana kasingganda ito ng A Very Special Love. Pero sigurado naman ako na inalagaan ito ni Direk Cathy Garcia-Molina.
Related Posts
Super Kilig si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo
Panonoorin Ko Ba Si KC Concepcion at Richard Gutierrez sa When I Met You
Matatalbugan Kaya ni Vhong at Toni si John Lloyd at Sarah sa Takilya
John Lloyd Cruz in Biogesic TV Commercial (Eye)
John Lloyd Cruz for Greenwich Overloaded Pizzas