Ang SpongeBob SquarePants Series ay Dubbed na sa Filipino

Lorna Lopez (me) with SpongeBob SquarePants and Patrick Star at the Nickelodeon Kids Choice Awards 2006

Nagulat ako nang ako’y nanonood ng Shake TV 5 ng alas-5 ng hapon at ang aking paboritong character na si SpongeBob SquarePants ay nagsalita ng Filipino. Dubbed na pala sa Filipino ang naturang cartoon series.

Syempre, pinakinggan kong mabuti kung ang pagsalin sa Filipino ay tama, at kung anong pinagkaiba ng mga voice talents na pinili nila kung ikukumpara sa English version.

Ako ay napabuntong-hiniga nang marinig ko na halos magkapareho ang mga boses at characterization ng mga Filipino at Amerikanong voice talents. Ang malayo lang na boses ay ang kay Plankton. Nahirapan sila siguro na makahanap ng kasing boses nito dahil si Plankton ay isang baritone. Pero maliban sa kaniya ay malapit na malapit ang mga Filipino voice talents sa timbre ng mga kilalang boses nina SpongeBob, Patrick, Squidward, Mrs. Puff at Mr. Krabs.

Related Posts

Nick Philippines Let’s Just Play 2008 Activities
SpongeBob A Thon on Nickelodeon
Chuckles — SpongeBob SquarePants & Cinderella
Chuckles — SpongeBob SquarePants vs. Squidward Squidward
A Nickelodeon Spongebob Christmas at the Robinsons Malls


No Comments

Leave a reply